^

Bansa

Badoy sa Makabayan Bloc: CPP-NPA-NDF, itakwil!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling hinamon ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng grupo na Karapatan na itakwil ang CPP-NPA-NDF kung tinatawag nila ang kanilang mga sarili na tagapagtanggol ng karapatang pang-tao.

Sa balitaan  via zoom ng  NTF-ELCAC, sinabi ni Badoy na nakakabingi ang katahimikan ng Makabayan Bloc at iba pang  militanteng grupo at nakapagtatakang hindi maitakwil ng mga ito ang Communist Terrorists Group (CTG) sa umano’y ginagawang  pananamantala sa mga Filipino kabilang na ang mga katutubo sa mga kanayunan o Indigenous People (IPs).

Matatandaang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan ang ulat na 1,506 na ang kanilang naitatalang mga umano’y krimen ng CTG sa loob lamang ng nakaraang 10 taon.

“I challenge Caloy Zarate, Sara Elago, Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, France Castro, Ferdinand Gaite, na kondinahin ang mga krimen na ito na ginawa sa ating mga kababayan. They’re self-professed defenders of the Filipino people. That’s what they tell us they are. Iyon ang kanilang claims ‘di ba?” sabi pa ni Badoy. 

CPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with