_ngayon
^
HIV testing ngayong pandemya, bumaba
Inalala kahapon ng DOH ang mga nasawi dahil sa kumplikasyon sa AIDS kasabay ng paggunita sa International AIDS Candlelight Memorial Day. Ayon sa ahensya, 4,574 pasyente na ang naiulat na nasawi mula 1984 hanggang 2020.
AFP

HIV testing ngayong pandemya, bumaba

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng Department of Health (DOH) na bumaba ang bilang ng mga lumalapit sa kanila at nagpapasailalim sa HIV testing magmula ng pumutok ang COVID-19 pandemic.

Inalala kahapon ng DOH ang mga nasawi dahil sa kumplikasyon sa AIDS kasabay ng paggunita sa International AIDS Candlelight Memorial Day.  Ayon sa ahensya, 4,574 pasyente na ang naiulat na nasawi mula 1984 hanggang 2020.

Hanggang Disyembre 2020, bumaba ang HIV testing sa 61% habang ang nagpapasailalim sa ‘treatment initiation’ ay bumaba rin ng 28%.

Tinataya na may 111,400 Filipino ang may HIV nitong 2020 ngunit 70% lamang nito ang mulat sa kanilang kundisyon dahil sa pagtanggi na sumailalim sa testing ng marami. Nasa 61% naman nila ang sumasailalim ngayon sa ‘antiretroviral therapy’ para mapahaba pa ang kanilang buhay.

Muling hinikayat ng DOH ang mga Filipino na sumailalim sa libreng testing at makumpirma ang kanilang kalusugan upang hindi na lalong lumala.

Bilang bahagi naman ng priority group A3, pinayuhan ng DOH ang mga HIV positives na humingi muna ng clearance sa kanilang mga doktor bago sumailalim sa COVID-19 vaccination.

DOH HIV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with