_ngayon
^
Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na
Nitong Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 29,473 Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho sa Israel na karamihan ay caregi­vers at household services workers.
Department of Foreign Affairs Facebook page

Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang mga Pinoy mula sa Ashkelon, Ashdod at Gaza Strip kung saan nagagaganap ang tensyon.

“Sa ngayon, in-country evacuation at least sa 3 apektadong area,” dagdag pa niya.

Nitong Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 29,473 Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho sa Israel na karamihan ay caregi­vers at household services workers.

Hindi bababa sa 35 katao ang napatay sa Gaza at 5 sa Israel dahil sa bakbakan at airstrikes.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with