_ngayon
^
120K target bakunahan kada araw sa NCR Plus
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ngayong Mayo target na magkaroon ng 2 milyong vaccination bukod pa sa Hunyo at 4 milyon sa Hulyo.
AFP/Ted Aljibe

120K target bakunahan kada araw sa NCR Plus

Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Para makamit ang herd immunity

MANILA, Philippines — Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 120,000 katao araw-araw sa National Capital Region (NCR) Plus upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus at magkaroon ng herd immunity sa itinuturing na virus epicenter na Metro Manila.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ngayong Mayo target na magkaroon ng 2 milyong vaccination bukod pa sa Hunyo at 4 milyon sa Hulyo.

Inuuna aniya ang NCR Plus, Metro Davao at Metro Cebu na itinuturing na mga “centers of gravity.”

Inaasahan nilang matapos ang pagbabakuna sa Metro Manila sa Nobyembre 27.

May padating din na 7 milyong doses ng bakuna ngayong Mayo kung saan 2.2 milyon ay magmumula sa Pfizer sa pamamagitan ng COVAX facility.

Mayroon ding 1.3 milyon doses ng Sputnik V mula sa Russia ang inaasahang darating bukod pa sa 500,000 Sinovac sa Mayo 22.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with