_ngayon
^
COVID-19 vaccination âdi dapat requirement sa trabaho â DOH
Sa isang public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit mahalaga ang nasabing bakuna, dapat lamang na maging boluntaryo ito para sa isang indibiduwal.
STAR/ File

COVID-19 vaccination ‘di dapat requirement sa trabaho – DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi dapat gawing requirement sa mga nag-aaplay ng trabaho na sila ay nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa isang public briefing,  sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit mahalaga ang nasabing bakuna, dapat lamang na maging boluntaryo ito para sa isang indibiduwal.

Reaksyon ito ni Vergeire sa napaulat na kabilang sa company policy ng US-based Delta Air Lines ang COVID-19 vaccination para sa mga bagong empleyado.

Maliban pa dito, hiniling din ng ilang business lea­ders sa gobyerno na magpatupad ng “vaccine pass” sa mga nakatanggap na ng 2 doses ng COVID-19 vaccine, na hindi naman pinayagan ng DOH.

Ang vaccine pass ay magsisilbing special permits para payagan ang mga nakakumpleto na ng bakuna na makapanatili ng matagal sa mga establisyemento sa kabila ng umiiral na health protocols at quarantine restrictions.

Ani Vergeire, wala pang sapat na ebidensya na ang mga bakunado na ng 2 doses ay hindi na mahahawaan ng nasabing virus.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with