_ngayon
^
Malacañang kay Trillanes: âMagkaso ka na langâ
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang problema umano kay Sen. Antonio Trillanes IV ay “dakdak nang dakdak.”
STAR/ File

Malacañang kay Trillanes: ‘Magkaso ka na lang’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos sabihin ni Trillanes na ipakukulong niya si Duterte kapag naging presidente siya ng bansa dahil sa mga pinagpapapatay.

Sinabi ni Roque na ang problema umano kay Trillanes ay “dakdak nang dakdak.”

Kung mayroon aniyang ebidensiya si Trillanes sa sinasabing mga pinapatay ay dapat sampahan na nito ng kaso si Duterte dahil ang “immunity from suit” lang nito ay habang nakaupo siya sa puwesto.

Idinagdag ni Roque na wala namang naihaing kaso si Trillanes sa nakalipas na limang taon kaya kuwestyunable kung papaano siya magkakaroon ng kaso laban kay Duterte pagtapos ng anim na taon.

Kasabay nito sinabi rin ng Palasyo na libre ang mangarap kaya dapat hayaan na lamang si Trillanes sa pangarap nito na maging presidente ng bansa, ayon sa Malacañang.

Idinagdag ni Roque na mukhang hindi rin naman makakakatakbong presidente si Trillanes dahil nilinaw umano ni Vice President Leni Rob­redo na tatakbo pa rin o may plano pa ring tumakbo.

Sinabi naman ni Roque na walang katuturan ang sinasabing ‘survival’ ni Trillanes dahil lahat ng isyu ay nalampasan ng administrasyon at nagwawagi rin aniya ang gobyerno laban sa COVID-19.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with