_ngayon
^

P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Econo-mic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.

Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bil-yong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.

Nitong Pebrero, inihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na nag­lalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinan-syal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.

Isinama ang panukala sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.

Hinimok ng dating Speaker ang publiko na manawagan sa mga mam­babatas na suportahan na ang mungkahing mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilya.

Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ibi-veto o tatanggihan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang 10k Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito. 

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with