^

Bansa

500K doses ng AstraZeneca ibubuhos sa NCR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
500K doses ng AstraZeneca ibubuhos sa NCR
Nabatid na maaari nang muling gamitin sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang AstraZeneca na pansamantalang ipinatigil para sa may edad na mas mababa sa 60, kasunod ng mga napaulat na adverse effects tulad ng blood clotting matapos turukan, bagama’t sa Pilipinas ay walang insidente tulad nito.
AFP/Alain Jocard

MANILA, Philippines — Nasa 500,000 doses mula sa 2 milyong natanggap na delivery ng AstraZeneca vaccines ang nakalaang ibigay sa Metro Manila na sentro ng pandemya sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinakamalaki ang bilang na mapupunta sa NCR na susundan naman ng mga katabing lalawigan sa Central Luzon at Calabarzon regions.

Gayunman, hindi na idinetalye kung ilan ang alokasyon sa iba pang rehiyon na nakahanda nang ipadala simula kahapon.

Ang bagong donasyon ng AstraZeneca ay nagmula sa COVAX facility.

Nabatid na maaari nang muling gamitin sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang AstraZeneca na pansamantalang ipinatigil para sa may edad na mas mababa sa 60, kasunod ng mga napaulat na adverse effects tulad ng blood clotting matapos turukan, bagama’t sa Pilipinas ay walang insidente tulad nito.

 

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with