_ngayon
^
COVID-19 cases bumaba dahil konti ang samples na ipinapasuri â DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi ang pagkabigo ng mga laboratoryo na makapagsumite sa oras ng tests results kundi ang kakaunting samples na isinusumite.
pna.gov.ph

COVID-19 cases bumaba dahil konti ang samples na ipinapasuri – DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mababang samples na natatanggap ng mga laboratoryo ang nakikitang dahilan kaya mababa rin ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi ang pagkabigo ng mga laboratoryo na makapagsumite sa oras ng tests results kundi ang kakaunting samples na isinusumite.

Aniya pa, patuloy nilang inoobserbahan kung ang pagbaba sa mga kaso ng sakit ay dahil sa pagbaba na ng bilang ng impeksiyon o kung ang samples na nasuri ay hindi lamang sapat para makita ang tunay na lagay ng COVID-19 situation sa bansa.

Iniulat ni Vergeire na ang mga samples na nasuri mula Abril 23-29 ay nasa 374,000 ngunit bumaba ito at naging 342,000 na lamang mula Abril 30 hanggang Mayo 6.

Sinabi pa ng health official na bumaba rin ng 10% maging ang bilang ng mga indibiduwal na nasuri sa COVID.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with