Local COVID-19 cases 1.08-M na habang gumaling palapit sa 1 milyon

Kitang tumatanggap ng kanilang ikalawang turok ng Sinovac COVID-19 vaccine ang mga healthcare workers at iba pang priority sectors sa Marikina Elementary School, ika-4 ng Mayo, 2021
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,637 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya nasa 1,080,172 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 1,080,172
  • nagpapagaling pa: 63,170, o 5.8% ng total infections
  • bagong recover: 6.091, dahilan para maging 999,011 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 191, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 17,991

Anong bago ngayong araw?

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments