^

Bansa

COVID-19 tests sa mga biyahero sa 7th, 8th day ng quarantine, giit ng IATF

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 tests sa mga biyahero sa 7th, 8th day ng quarantine, giit ng IATF
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natagpuan nila na mataas pa rin ang ‘viral load’ sa ika-7 at ika-8 araw kaya nais nilang rebisahin ang protocol para sa mga biyahero.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa IATF (Inter-Agency Task Force against COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 testing sa mga biyahero sa ika-7 o ika-8 araw ng kanilang quarantine makaraang lumapag ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natagpuan nila na mataas pa rin ang ‘viral load’ sa ika-7 at ika-8 araw kaya nais nilang rebisahin ang protocol para sa mga biyahero.

Sa kasalukuyan, isinasailalim sa COVID testing ang mga dayuhan at Pilipinong nagbabalik sa bansa sa ikalima at ikaanim na araw ng kanilang isolation.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin nila ipinatutupad ang testing sa mga Pilipino na lalabas naman ng bansa. Magiging depen­de umano ito sa ahensya o kaya sa destinas­yong bansa kung polisiya nila ito.

Matatandaan na isang Pinoy domestic worker ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong noong Abril 21. Maaa-ring nakuha umano ito ng pasyente habang nasa biyahe o kaya naman ay habang nasa quarantine siya.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with