^

‘Wag maging bastos sa China – Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling benefactor ng Pilipinas ang China kaya hindi dapat bastusin at walang galang, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na kahit pa may “conflict” ang Pilipinas at China, hindi ito dahilan para maging bastos at “disrespectful” ang mga Filipino.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa kabila nang ginawang pagmumura ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin sa China sa kanyang Twitter account kamakalawa.

“As a matter of fact, we have many things to thank China for the help in the past and itong mga tulong nila ngayon,” ani Duterte.

Ipinarating na umano niya kay Chinese President Xi Jinping ang pag-iingay nina retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario tungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi umano ni Xi Jinping na ang dalawang opisyal ang nagregalo sa kanila ng mga isla ng Pilipins.

“China, I know President Xi Jinping, because I was blunt in my --- ­unang kita namin sinabi ko na kaagad about our resources diyan sa West Philippine Sea. Sabi ko alam ko na may dalawang taong maingay. Sabi nga ni Xi Jinping na ah alam namin. Iyong ‘yong dalawang si Albert pati si Carpio ang nagregalo sa amin niyang mga islands mo eh. Niregalo, namimigay ang mga p*****. Tapos you have the temerity to blame anybody for your --- in diplomatic term ‘faux pas’,” ani Duterte.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with