^

PRRD, sakop ng compassionate use permit sa Sinopharm vaccine

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Food and Drugs Administration (FDA) na sakop si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas nilang ‘compassionate special permit (CSP)’ para mabakunahan ng Sino­pharm COVID-19 vaccine na gawa mula sa China.

“Ito ‘yung [permit na] hiningi ng PSG dati bago pa dumating ang mga bakuna dito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente at mukhang ‘yun din po ang ginamit sa ating pangulo kagabi,” paliwanag ni FDA director general Eric Domingo.

Kasunod ito ng mga tuligsa sa Pangulo sa paggamit ng Sinopharm na hindi pa nabibigyan ng “Emergency Use Application permit” sa bansa.

Bukod kay Pangulong Duterte, sakop din ng CSP ang mga asawa o partners ng mga miyembro ng PSG.

Kaya hindi pa nabibigyan ng EUA ang Sinopharm, ipinaliwanag ni Domingo na hindi pa nakapagsusumite ang dalawa hanggang tatlong kumpanya na nagpaha­yag ng interes na maging distributor nito sa bansa.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with