^
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang ang pondo nito sa susunod na taon ay alisin na.
Geremy Pintolo

Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang ang pondo nito sa susunod na taon ay alisin na.

Inayunan naman ni Sen. Sherwin Gatchalian si Villanueva at sinabing kung ang ganitong klase ng tao ang gumagastos ng pinaghirapang buwis ng taumbayan ay hindi karapat-dapat bigyan ng pondo.

Iminungkahi naman ni Sen. Nancy Binay, na i-review ang pondo ng task force lalo na nga-yong paparating na ang budget season at bubusiin nilang mabuti ang budget ng NTF-ELCAC.

Matatandaan na inihalintulad ni Parlade ang community pantry ni Ana Patrcia Non sa pagbibigay ni satanas ng mansanas kay eba.

NTF-ELCAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with