^
COVID-19 naipapasa sa hangin
Sa ulat na inilathala ng Lancet na binubuo ng mga grupo ng epidemiologists at iba pang eksperto, na nakatagpo sila ng “overwhelming” na mga ebidensya na kumakalat ang virus sa pamamagitan ng aerosols. Ang “aerosols” ay maliliit na “airborne particles” mula sa bibig kapag humihinga ang tao, nagsasalita at umuubo.
The STAR/Michael Varcas

COVID-19 naipapasa sa hangin

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumalabas ngayon sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa Ca-nada, Estados Unidos at United Kingdom na airborne ang pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng “aerosols”.

Sa ulat na inilathala ng Lancet na binubuo ng mga grupo ng epidemiologists at iba pang eksperto, na nakatagpo sila ng “overwhelming” na mga ebidensya na kumakalat ang virus sa pamamagitan ng aerosols. Ang “aerosols” ay maliliit na “airborne particles” mula sa bibig kapag humihinga ang tao, nagsasalita at umuubo.

Dahil dito, nanawagan si University of Toronto Professor Dr. David Fisman, isa sa may-akda ng pag-aaral, na kailangang rebisahin ang mga panuntunan o protocols sa mga indoor spaces.

Sa kasalukuyan, na­ka­­tutok ang mga pama­halaan sa bansa sa pag­papatupad ng mga protocols na kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng direktang kontak at transmisyon sa pamamagitan ng “water droplets”.

Sa ebidensyang nakalap nina Fisman at mga kasamahan, iginigiit nila na ang aerosols ang pa­ngunahing dahilan ng transmisyon ng virus. 

“That explains why we have these huge explosive outbreaks in places like church choirs and karaoke bars and spin studios, where people are vocalizing and creating a lot of aerosols,” ayon sa pag-aaral.

Sinabi naman ni University of Colorado professor Jose-Luis Jimenez na 20 beses na mahahawa ang isang tao sa “indoors” kaysa sa “outdoors”.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with