^
Telcos pinaghahanda ng NTC sa mga daraanan ni Bising
Sa inilabas na me-morandum order ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, ipinahahanda rin ang mga generator na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga telcos.
STAR/File

Telcos pinaghahanda ng NTC sa mga daraanan ni Bising

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company na tiyaking sapat ang mga tauhan sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Bising upang agad na makaresponde sa oras ng pagbagsak ng komunikasyon.

Sa inilabas na me-morandum order ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, ipinahahanda rin ang mga generator na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga telcos.

Inatasan din ang mga telco na madaliin ang repair at restoration ng telecom services sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Cordova na dapat ay makapagsumite ng status updates ang mga telco kada anim na oras sa kanilang isasagawang restoration activities.  Pinaglalagay din ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations ang mga telco sa mga lugar na mawawalan ng koneksyon.

Paalala ng NTC sa mga telco, makipag-ugnayan sa mga LGUs at tiyaking susundin ang health protocols kaugnay ng pandemya.

NTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with