^
Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.
The STAR/Miguel de Guzman, file

Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na kanilang tinatakot ang mga pribadong ospital na ayaw magdagdag ng kapasidad sa gitna nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.

Sabi pa ni Vergeire na dapat mag-expand ang mga pribadong ospital ng hanggang 30% mula sa orihinal na bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID.

Ipinatutupad lamang aniya ng DOH kung ano ang nakasaad sa batas.

Pero naintindihan din aniya ng DOH ang mga ospital na kailangan ng mga bagong healthcare workers kaya tumutulong din sila sa pagbibigay ng mga kama. 

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with