^

Bansa

FDA inalerto ang publiko sa pekeng bakuna

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalerto ng Food and Drug Administration Philippines ang publiko at medical health professionals sa isang uri ng ‘falsified’ na bakuna laban sa COVID-19 na natukoy na ginagamit sa Mexico na posibleng ilegal na makapasok sa bansa.

Sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na ‘falsified’ ng World Health Organization kamakailan matapos matuklasang mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.

Nakalagay sa label na COVID-19 Vaccine BNT16b2 na may expi­ration date na Aug. 24 (walang year kung kailan mae-expire); ma-nufacturer na Pfizer BION­TECH; at Packaging language sa English.

Ayon sa FDA, kama­kailan lang kinumpirma ng WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at peke rin ang batch at expiry date na na-detect na itinuturok sa Mexico na hindi sakop  ng authorized vacci-nation programs.

Ayon pa sa FDA, ang authentic COVID-19 vaccine BNT12b2 ay bakuna laban sa COVID-19 sa mga indibiduwal na may edad 16 pataas.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with