^
Roque nasa ospital dahil sa COVID-19
“I am now admitted in a hospital for Covid treatment,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa inilabas na statement.
Presidential Photo/Yancy Lim

Roque nasa ospital dahil sa COVID-19

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naka-confine siya sa ospital dahil sa COVID-19.

Nauna rito, iniulat ng ABS-CBN na nasa Ph-lippine General Hospital (PGH) si Roque.

“I am now admitted in a hospital for Covid treatment,” ani Roque sa inilabas na statement.

Sinabi pa ni Roque na masyadong nakakahawa na ngayon ang COVID-19 kaya dapat mas pag-ibayuhin ang pag-iingat.

Inanunsiyo rin niya na magkakaroon ng Ulat sa Bayan sa Lunes si Pa-ngulong Rodrigo Duterte.

Ang kumpirmasyon ay sa gitna ng pagha-hanap ng mga netizens sa Pangulo kung saan nag-trending pa ang hashtag #NasaanAngPangulo.

Kahit pa nasa ospital, sinabi ni Roque na siya pa rin ang mag-aanunsiyo kung ano ang magiging “risk classification” ng National Capital Region Plus bubble na pinag-usapan kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Humiling din si Roque sa mga mamamayan na ipagdasal ang lahat ng may COVID-19 hindi lamang sa bansa kung hindi sa buong mundo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with