^

Benepisyo ng mga beterano ‘di apektado ng pandemic

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na hindi naapek­tuhan ng banta ng pandemya ang benepisyo ng mga bayaning beterano, kahit anong quarantine classification pa ang umiiral sa bansa.

Ang paniniyak ay ginawa ni  PVAO administrator Usec. Ernesto Carolina kasabay ng kanilang paggawa ng mobile applications para makikita at makukumusta ang mga beterano kahit hindi personal na nakakapunta sa kanilang opisina.

Dati kasi ay obligado ang mga ito na maglabas ng “proof of life,” bago mai-release ang pensyon at iba pang tulong, para matiyak na napupunta ang biyaya sa tamang benepisaryo.

Nabatid na may sapat ding pondo para sa mga programa ng PVAO dahil may mga property silang napagkukunan, maliban pa sa ipinagkakaloob ng gobyerno.

Sa pagtaya ni Carolina, nasa 4,000 pa ang nabubuhay na World war II veterans, maliban pa sa mga retiradong sundalo na ikinokonsidera na rin bilang beterano. 

 

PVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with