^
Ilang senador dismayado sa mababang taripa sa imported pork
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sana ay itinaas na lang ang minimum access vo-lume (MAV) para sa im­ported pork products sa halip na ibinaba ang taripa.
STAR/ File

Ilang senador dismayado sa mababang taripa sa imported pork

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dismayado ang mga Senador dahil sa desis­yon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba ang taripa ng mga imported na produktong baboy sa loob ng isang taon.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sana ay itinaas na lang ang minimum access vo-lume (MAV) para sa im­ported pork products sa halip na ibinaba ang taripa.

Para naman kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture na dahil sa ginawa ng Malakanyang ay parang pinatay na rin nito ang lokal na industriya.

Sinabi naman ni Sen. Kiko Pangilinan na bilyun-bilyong pisong halaga ang mawawala sa gobyerno dahil sa pagbaba ng tariffs on pork importation.

Kung hindi umano ito babantayan ay aabot sa P55 bilyon ang gagas­tusin ng gobyerno sa pag-import pa lamang, habang aabot sa P11.14 bilyon ang mawawalang kita dahil sa pagbaba ng taripa na dapat sana ay mapunta sa hog industry.

Itinakda sa Lunes ang pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa pagbubunyag ni Sen. Panfilo Lacson na “tongpats” sa pag-aangkat ng karneng baboy.

VICENTE SOTTO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with