Utang ng PhilHealth sa mga ospital, bayaran na - Go

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Senador Bong Go sa PhilHealth na bayaran nito ang financial obligations sa mga ospital at sa kanilang pasyente sa tamang oras upang masiguro na ang mga medical institutions ay makabili ng vital medical supplies at pampasuweldo sa kanilang medical workers.

Ibinabala ng senador na kung patuloy na sasablay ang ahensiya sa usaping ito ay babagsak ang katatagan ng healthcare system.

“I urge PhilHealth to review and enhance its existing policies. Karamihan naman po ng mga Pilipino may kontribus-yon sa PhilHealth. Dapat nilang maramdaman ang serbisyo ng PhilHealth, lalo na sa panahong ito,” ani Go.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Go sa    mga ulat na maraming   mahihirap na Filipino ang hirap na makakuha ng maayos na healthcare service dahil sa pandemya.

Dahil dito kaya iginiit niya na ipatupad na ang Universal Health Care Law at para maisaayos ang operasyon ng PhilHealth.

Sa ulat naman ni PhilHealth President Dante Gierran kay Pangulong Rodrigo Duterte, P91.4 bil­yon na ang nabayaran ng PhilHeath sa mga ospital noong 2020 habang aabot sa P3.7 bilyong halaga ng mga claims ang pinopro-seso pa ngayon at P5.2 bilyon ang suma­sailalim sa validation.

Show comments