_ngayon
^

Bansa

Hate crime: 65-anyos Pinay inatake sa New York

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng makaapek-to sa foreign policy ng Pilipinas ang nangyaring brutal na pag-atake sa isang 65-anyos na babaeng Pinay sa New York City noong Lunes.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang twitter account, na ang ganitong racial brutality ay si-niseryoso ng pamahalaan.

“This is gravely noted and will influence Philippine foreign policy. I might as well say it, so no one on the other side can say, ‘We didn’t know you took racial brutality against Filipinos at all seriously.’ We do,” nakasaad pa sa twitter account ng kalihim.

Sa kabila nito hindi naman ipinaliwanag ni Locsin kung paanong makaaapekto sa foreign policy ang insidente ng pananakit sa isang Pinay.

Base sa video na lumabas sa social media, bigla na lamang sinalubong ng isang Kano sa Manhattan ang Pinay at sinigawan ng “You don’t belong here,”  sabay tadyak sa sikmura at ulo ng ilang beses.

Bagama’t maraming nakakita ay walang tumulong sa biktima at kapansin-pansin na tila magsasara ng pintuan ng gusali ang isang lalaki kung saan nasa harap nila nakahandusay ang Pinay na si Vilma Kari.

Kaagad namang nada-kip ng mga otoridad matapos na i-post ng NYPD hate crimes sa kanilang twitter ang suspek na isang black American na na-hulicam   na tumadyak sa biktima.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Felony Assault as a Hate Crime.

NEW YORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with