^

Bansa

AFP nagdagdag ng naval assets sa West Philippine Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
AFP nagdagdag ng naval assets sa West Philippine Sea
Sa pagharap sa Commission on Appointment (CA), sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, para ito sa increase visibility ng Philippine Navy upang masiguro ang seguridad at kaligta­san ng mga Pilipinong mangingisda.
pna.gov.ph/Philippine Army phot

MANILA, Philippines — Nagdagdag na ng naval assets ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na mabe­ripika na mayroon pang 183 na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Sa pagharap sa Commission on Appointment (CA), sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, para ito sa increase visibility ng Philippine Navy upang masiguro ang seguridad at kaligta­san ng mga Pilipinong mangingisda.

Bukod dito ayon pa kay Sobejana, ito ay para mabantayan din ang marine resources at ang integridad ng teritoryo ng bansa at hindi nila kinukunsinti ang incursions ng mga Chinese sa territorial water ng Pilipinas.

Idinagdag pa niya sa pagdinig na nakunan nila ang mga barko na mas madami pa umano noon sa nakita nila sa karagatan ng Sulu at naka- military information pa ang mga ito.

Kaya pinag-aaralan nila sa AFP kung bakit ganoon ang kanilang porma, kaya inireport nila ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at sa National Task Force on the West Philippine Sea.

Ayon pa kay Sobejana sa mga Senador at Kongresista na inimbitahan na ng AFP ang defense attache ng China para kausapin sa sitwasyon sa West Philippine Sea, subalit hindi siya nakadalo dahil humarap na siya sa CA para sa nominasyon niya tungkol sa ranggong Heneral.

 

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with