Kamara 4 na araw naka-lockdown

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa apat na araw na lockdown ang buong tanggapan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos umakyat sa 33 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Sa direktiba ni Speaker Lord Allan Velasco, nagsimula ang lockdown nitong Marso 18 at tatagal hanggang Marso 21.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, sa 33 bagong kaso ay hindi pa kabilang ang tatlong mambabatas na huling nagpositibo sa virus. Ang mga ito ay sina House Majority Leader Martin Romualdez, Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor at 1st District Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.

Samantala, maging ang Media Center sa Kamara ay pansamantalang isasara hanggang sa bumuti ang sitwasyon.

Show comments