Suicide deaths tumaas ng 26% sa pandemic — PSA

Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ang suicide deaths sa 3,529 noong 2020 o 26% na mataas sa 2,808 suicide noong 2019.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa dahilan para mailagay ang suicide na pang-27 ugat ng kamatayan sa Pilipinas.

Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ang suicide deaths sa 3,529 noong 2020 o 26% na mataas sa 2,808 suicide noong 2019.

Sa pag-aaral ng PSA, ang bilang ng mga namatay sa Pilipinas mula January hanggang  December 2020 ay hindi pa kasama sa mga nagpakamatay na Pinoy sa abroad.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkabalisa dahil sa pandemic ang nakaapekto sa nakararaming Pinoy na nagdulot ng problema sa mental health.

Ito ay nakita sa pagtaas ng bilang ng tawag sa  helplines, fully-booked consultation schedules, at pagdami ng mga aktibidad na makapagpapagaan sa sarili at magpapatanggal stress.

Sinabi ni Psychologist Randy Dellosa, maraming Pinoy ang nagkakasakit at sinusubukang ikonsidera ang ‘new normal’ kahit na sa realidad ay nasa abnornal na kondisyon ang bansa ngayon.

Umaabot sa 3.6 milyong Pinoy ang dumaranas ng mental health problems pero ayaw magpakonsulta dahil sa pandemic.

Sa ulat ng National Mental Health Program Frances Prescilla Cuevas may halos  1,145,871 katao ang dumaranas ng depressive disorder. 

Show comments