_ngayon
^

Bansa

Special court sa mga pulis na nililitis, itinutulak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Richard Gordon ang panukalang pagtatatag ng special court na lilitis sa mga awtoridad na mayroong kasong pang-aabuso.

Sa Senate Bill 1828 o ang “Police Courts Act of 2020” ni Gordon, binibigyan nito ng mandato ang Korte Suprema na bumuo ng special courts na magsisilbing Police Law Enforcement Court sa mga Regional Trial Court.

Layon ng panukala na magarantiyahan ng gobyerno na magkakaroon ng de kalidad na desisyon at resolus-yon ang mga kasong may kaugnayan sa mga otoridad.

Bukod dito, makakahinga rin umano ang publiko kapag mayroon nito dahil may laban sila lalo na kapag pulis ang kanilang mga kalaban.

Nakasaad din na lahat ng kaso ng pulis ay mapupunta lang sa isang husgado sa probinsya kung saan doon madaling hanapin at madaling mabilang.

Makikita rin umano ang transparency dito dahil malalaman agad kung napaparusahan talaga ang mga akusadong pulis o dini-dribble lang ang kaso.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with