_ngayon
^

Body camera ng mga pulis magagamit na sa Abril

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magagamit na sa Abril ang mga body came­ras na ilalaan para sa mga police operations.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng kritisis-mo na tinatanggap ng pulisya dahil sa pagkamatay ng 9 na aktibista sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya noong nakaraang Linggo sa Calabarzon.

Sinabi ni Roque na nagsasanay na ang kapulisan para sa paggamit ng body cams at magagamit na ito sa Abril.

Wika pa ni Roque na layunin ng body cams na maiwasan ang pagdudu-da ng taumbayan lalo na kung mayroong napatay sa operasyon.

Aminado rin si Roque na hindi maaaring magsinungaling ang body cam na maituturing na isang physical evidence.

“Nang maiwasan na po iyong pagduda ng taumbayan kung ano talaga ang mga pangyayari ‘pag mayroon pong napatay. Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” ani Roque.

BODY CAMERA PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with