^

Bansa

Pagbabalik ng lockdown, tinabla ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik ng lockdown, tinabla ng Malacañang
“For the month of March, I don’t think it is called for. Bakit po? Kasi talagang datos po ang ating pinagbabasehan. Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit,” ani Roque.
Presidential Photo/Yancy Lim

Kahit tumataas ang kaso ng COVID-19

MANILA, Philippines — Sa kabila nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19, sinabi kahapon ng Malacañang na hindi pa kaila­ngan ang mas mahigpit na community quarantine o full lockdown.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakahanda naman ang iba’t ibang ospital na gamutin ang mga seryosong nagkakasakit.

“For the month of March, I don’t think it is called for. Bakit po? Kasi talagang datos po ang ating pinagbabasehan. Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit,” ani Roque.

Nasa 60 porsiyento pa aniya ang available na ICU; 65 porsiyento ang available na isolation beds at 75% ang available na ward beds.

Tiniyak din ni Roque na inatasan na ang mga local government units (LGUs) na paigtingin ang minimum health standards at ipatupad ang institutional isolation sa mga nagkakasakit.

Kailangan ding paigti­ngin ang contact tracing at i-isolate ang mga nagkaroon ng close contact at bigyan ng PCR test.

Muling nanindigan si Roque na kung magkakaroon ng lockdown ay dapat localized lang.

“At nananawagan din po kami sa mga lokal na pamahalaan – may kapangyarihan po kayo na magdeklara ng mga localized lockdown. Hindi ko naman po sinasabi na buong barangay eh i-lockdown ninyo kung wala namang kaso sa buong barangay.

Iyong kalye, iyong bahay, iyong compound na mayroong mga maraming sakit, i-lockdown ninyo na po iyan dahil iyan po talaga ang ating istratehiya ngayon,” ani Roque.

Hindi na aniya kayang mag-lockdown dahil sa ekonomiya at dahil sa dami ng nagugutom.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with