^
Pfizer vaccines darating sa Abril
“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
AFP/Joel Saget

Pfizer vaccines darating sa Abril

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility.

“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Nasa 117,000 doses ng Pfizer ang darating sa pamamagitan ng COVAX Facility ng WHO at GAVI alliance na tumitiyak na lahat ng bansa ay mabibigyan ng bakuna.

Tiniyak naman umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng World Health Organization (WHO) na mabibigyan ang Pilipinas ng suplay sa kabila ng kakapusan at agawan sa bakuna ng mga bansa sa mundo. Inisyal na naka-iskedyul ang delivery nito noong Pebrero ngunit naantala.

Sa liham ng WHO sa Pangulo, makararating ang mga bakuna basta pipirma ang Pilipinas sa ‘indemnification agreement’.  Nais kasi ng mga manufacturer na walang sasagutin sakaling magkaroon ng seryosong side effects ang isang matuturukan ng kanilang bakuna at sasagutin ng host na bansa.

Nagpaalala naman si WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa Pilipinas na maaaring hindi matuloy ang pagpapadala ng donasyong bakuna kung hindi masusunod ang ‘prioritization list” kung saan mauunang bakunahan ang mga healthcare workers, kasunod ang mga senior citizens, at mga taong may ‘comorbidities’.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with