Publiko sa Mayo pa mababakunahan - Galvez

Sinabi ni Galvez na may shortage sa bakuna sa buong mundo at sa second quarter pa ng taon darating ang bakuna mula sa COVAX facility kasama na ang mula sa Prizer at AstraZeneca.
National Task Force COVID-19

MANILA, Philippines — Sa Mayo pa maaaring magsimula ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga ordinar­yong mamamayan, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez na may shortage sa bakuna sa buong mundo at sa second quarter pa ng taon darating ang bakuna mula sa COVAX facility kasama na ang mula  sa Prizer at AstraZeneca.

“Ang magiging available this second quarter is iyong COVAX Facility, kasama iyong Pfizer at saka AstraZeneca. And then iyong sa ating procurement, we have Sinovac,” ani Galvez.

Idinagdag ni Galvez na na­­kikipag-unahan  pa rin ang gobyerno para sa mas mabilis na deliveries ng mga bakuna na posibleng ibigay sa publiko sa Mayo.

“Kasi we have to understand, nakita natin…na talagang very acute iyong shortage ng ating global vaccines and we are trying to really to haggle on early deliveries,” ani Galvez.

Idinagdag ni Galvez na sa isinasagawang negosasyon ay nagbabayad na ng mas malaki ang Pilipinas para sa mas maagang deliveries.

Actually nga...ang ginagawa nga natin sa negotiation, we are paying more, inaakyat namin iyong price to have them deliver it early. Kasi iyong price na iakyat natin, iyong economic gains is more than enough to cover that prices, so iyon ang ginagawa natin sa negotiation,” ani Galvez.

Idinagdag ni Galvez na ang isang tina-target ng gobyerno ay ang Moderna at iba pang bakuna na puwedeng makuha sa Mayo o Abril.

 

Show comments