‘Sabay kami magpapabakuna ni Presidente’ – Bong Go

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahandaan niyang magpabakuna laban sa COVID-19 sa harap ng publiko, kasabay ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang ipakita na ligtas at mabisa ito.

“It’s not a question anymore if the President is willing to be vaccinated in public or not because we all want to be vaccinated. We are doing this not because we are priority. Gagawin po namin ito para ipakita sa publiko na dapat magtiwala tayo sa bakuna,” sabi ni Go.

“Sabay po kami magpapabakuna, in public po, at inaantay na lang namin, pinagpipilian ng kanyang doktor kung ano pong bakuna ang pwede sa kanyang edad na pwede sa kanyang kalusugan,” idinagdag ng senador.

Ayon kay Go, kapag may nairekomenda nang bakuna ang doktor ng Pangulo ay sabay silang magpapaturok sa harap ng publiko.

Ibinalita rin ni Go na may mga public officials din na pumayag magpabakuna para mawala ang takot ng publiko dahil na rin sa safety concerns.

Show comments