Pagdating ng bakuna ng AstraZeneca, naudlot

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III, matapos na makuha ang impormasyon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez.
Paul Ellis / AFP

MANILA, Philippines — Naudlot ang sana’y pagdating ngayon ng bakuna ng AstraZeneca.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III, matapos na makuha ang impormasyon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Ngayong alas-12:50 dapat ng tanghali ay inaasahan na darating ang bakuna mula sa AstraZeneca, subalit ayon kay Duque, nagkaroon ng supply problem kaya maaantala ang pagdating nito ng isang linggo.

Umaasa naman ang kalihim na sa susunod na linggo ay darating na ang AstraZeneca subalit kung anong oras, araw o flight hindi pa umano nila ito alam.

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesman Harry Roque, na hindi darating ngayong araw ang AstraZeneca base sa notice ng COVAX facility dahil sa problema sa logistics.

Ayon kay Roque, panandaliang delay lamang umano ito.

Show comments