^
Nasunugan inayudahan ni Pangilinan
Sa pakikipagtulungan ng Kaya Natin, nagpadala si Sen. Kiko ng 500 food packs, na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain para sa mga biktima ng sunog.
Jesse Bustos, file

Nasunugan inayudahan ni Pangilinan

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 400 pamilya sa Parola Compound sa Tondo, Manila ang tumanggap ng ayuda buhat kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Sa pakikipagtulungan ng Kaya Natin, nagpadala si Sen. Kiko ng 500 food packs, na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain para sa mga biktima ng sunog.

“Nagpapasalamat po kami sa tulong na ibinigay ni Sen. Kiko. Napakalaking bagay po nito para sa amin,” wika ng isang residente na pansamantalang nanunuluyan sa Jose Abad Santos High School sa Sta. Cruz, Manila.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga residente sa nasabing paaaralan matapos maabo ang kanilang mga tahanan sa sunog na nangyari noong Pebrero 21, kung saan lima katao ang namatay.

Ayon kina Brgy. Captain Boroboy Santiago, inaasahan na mananatili ang mga nasunugan sa Jose Abad Santos High School sa loob ng isang buwan habang inaayos ang kanilang mga tirahan.Nangako naman ang tanggapan ni Sen. Kiko ng dagdag pang ayuda sa mga nasunugan.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with