SUV vs motor: 3 parak, 2 sibilyan patay

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasawi kabilang ang tatlong pulis habang dalawa pa ang nasugatan maka­raan ang salpukan ng isang SUV at motorsiklo sa Purok 2, Brgy. Lagab, Compostela, Davao de Oro kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­sawing pulis na sina Patrolman Adamson Ca­sador, Pat. Armon Pelicano at Cpl. Aries Jay Yray habang dead-on-arrival sa ospital ang magpinsan na sina Marjon at Jason Mabinse, mga angkas ng na­kabanggaang motorsiklo.

Ang mga sugatan ay nakilalang sina Cpl. Jayford Sumaliday at ang drayber ng motorsiklo na si Rodolfo Antiojo. Sa ulat kay P/Major Darwin Dura, hepe ng Compostela Police, pasado alas-7:00 ng gabi nang salpukin umano ang itim na Toyota Fortuner ng mga pulis ang motorsiklo ng magpinsang Mabinse.

Dahil dito, nahulog sa 7-talampakang lalim na canal ang naturang SUV dahilan para masawi ang tatlong pulis at maging ang magpinsan na angkas ni Antiojo.

Show comments