DOH:‘Mutations of concern’ na natukoy sa Cebu,‘di dapat ikabahala

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isusumite nila ang natuklasang mutations sa Cebu para makapagsagawa ng mas malawak na pag-aaral ang WHO kung ang mga ito ay dati nang variants na nakita sa ibang panig ng mundo o bago pa lang.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Tutulong ang World Health Organization (WHO) para  alamin kung ang dalawang mutations na nakita sa Cebu ay specific type o tukoy nang COVID-19 variant o maituturing na Philippine variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isusumite nila ang natuklasang mutations sa Cebu para makapagsagawa ng mas malawak na pag-aaral ang WHO kung ang mga ito ay dati nang variants na nakita sa ibang panig ng mundo o bago pa lang.

“Hindi dapat ikabahala sa ngayon. Pinag-aaaralan natin ngayon, pinag-aaralan natin kung ito ay maka-classify as variant natin,” ani Vergeire.

“Ang virus po, normally, nagmu-mutate sila and for us to have a specific variant, kailangan ng lima hanggang pito na variants out of those mutations na nakikita doon sa sequence para masabi na mayroon talagang variant tayo na specific,”aniya pa.

“Sa ngayon, ‘yan ang nakikita natin. Ang gagawin natin isusubmit natin ito sa WHO for them to classify at mabigyan ng direction kung talagang itong mga mutations na ito ay matutukoy natin doon sa mga variant na existing globally,” paliwanag pa nito.

Show comments