38 close contact ng UK variant patients, nagpositibo sa COVID-19

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, 34 sa mga bagong pas­yente ng virus ay na­ging close contact ng 12 UK COVID-19 variant cases na mula sa Bontoc, Mountain Province habang ang apat na iba pa ay nahawa naman sa isang COVID-19 patient sa La Trinidad, Benguet.
NIAID

Benguet, Mt. Province nakaalerto

MANILA, Philippines — Nakaalerto ngayon ang Department of Health sa lalawigan ng Benguet at Mt. Pro­vince makaraang 38 katao ang nagpositibo sa COVID-19 na close contact ng unang 13 kaso ng United Kingdom variant.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, 34 sa mga bagong pas­yente ng virus ay na­ging close contact ng 12 UK COVID-19 variant cases na mula sa Bontoc, Mountain Province habang ang apat na iba pa ay nahawa naman sa isang COVID-19 patient sa La Trinidad, Benguet.

Dahil dito, limang barangay sa Bontoc ang naka-lockdown ngayon para maiwasan ang pagkalat ng UK variant ng virus. Ito ay ang mga barangay ng Tocucan, Bontoc Ili, Caluttit, Poblacion, at Samoki. 

Ngunit nilinaw ni Vergeire na hindi UK variant ang virus na natuklasan sa 38 bagong pasyente. 

Paglilinaw ng DOH, wala namang ebidensya na mas nakamamatay ang UK variant bagama’t mas madali itong maipasa sa ibang tao.

Nabatid na isang OFW mula sa UK ang dumating sa bansa noong Disyembre 13 ngunit nagnegatibo sa COVID-19 nang isailalim sa swab test. Umuwi siya sa Bontoc at nakibahagi sa mga kasiyahan noong Kapaskuhan hanggang sa makitaan ng sintomas ng virus noong Disyembre 29.  Nabatid na 116 ang kabuuang close contacts ng OFW na natukoy ng pamahalaan.

Wala namang travel history ang pasyente ng UK COVID-19 sa La Trinidad na nakapanghawa sa apat niyang kasambahay habang 93 pang close contacts ang natukoy na.

Show comments