^
P270-P300 price freeze sa baboy
Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.
Andy Zapata Jr., file

P270-P300 price freeze sa baboy

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Ilalatag ng DA kay Duterte

MANILA, Philippines — Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF).

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.

“’Yun na nga ang ini­rerekomenda ng DA kay Presidente, tapos na po ‘yung consultation, suporta na lang ng ating stakeholders ang tini­tingnan,” ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, sa panayam sa radyo. “Ang sina-suggest ni Secretary ay P270 to P300 ang price freeze natin sa baboy.”

Sinabi ni Reyes na naglaan na rin ang DA ng inisyal na P400 mil­yon para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na nagkaroon ng outbreak ng ASF.

Nabatid na ngayong linggong ito, ang kilo ng baboy ay umaabot ng mula P400 hanggang P420.

Ang naturang presyo ay halos kahalintulad na sa presyo ng baka.

Ayon naman sa DA, naobserbahan nila ang pagsipa ng presyo ng baboy sa Metro Manila.

Tumaas naman ang demand sa manok kaya nagtaas-presyo rin ang farmgate price nito. Sa mga pamilihan, tinatayang nasa P190 hanggang P200 ang kada kilo ng manok.

Kaugnay nito, nag­laan ang DA ng inisyal na P80 milyon para sa pagbuo at mass production ng test kits na gawang Pinoy, at ginagamit para sa mas mabilis at mas murang pagtukoy ng mga kaso ng ASF.

Madali umanong ga­mitin ang mga natu­rang test kits at kayang tukuyin ang kaibahan ng ASF virus mula sa hog cholera at iba pang swine-related viruses.

AFRICAN SWINE FEVER DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with