^

Price ceiling ng baboy, manok hiniling ni Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa Executive Department na kumilos upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at manok sa pamamagitan ng pagpapatupad ng price ceiling.

Sinasabing ang pagsirit ng halaga ng baboy ay dahil sa kakapusan ng supply na dulot ng African Swine Fever (ASF) habang ang pagtaas ng halaga ng manok ay bunsod ng ilegal na manipulasyon ng ilang ganid na negosyante.

“Umaapela ako sa exe­cutive department na pag-aralan ang pag-i-impose ng price ceiling sa kar­neng baboy at manok sa bansa upang mapigilan ang tuluy-tuloy na pagtaas nito. Marami po sa ating mga kababayan, lalo na ang mga minimum wage earners, ang hindi na ma-afford ito,” ani Go.

“Kung maaari po, ang gobyerno na po ang pumasan sa mga problemang ito, huwag lang po mapunta sa ordinaryong mamamayan ang dagdag na pasakit ng mahal na bilihin,” giit niya.

Nabatid na plano ng Department of Agriculture na dagdagan ang pork imports bilang ayuda sa local pork supply sa pamamagitan ng pagtitriple sa Minimum Access Volume (MAV) para mapanatiling stable ang halaga ng karne sa bansa.

Ang MAV ay tumutukoy sa volume ng espesipikong agricultural commodity, gaya ng baboy pork na pinapayagang i-import pero sa mababang tariff rate.

Suportado ni Go ang panukala ng Department of Agriculture na dagdagan ang MAV sa baboy ngunit dapat ay sa legal na proseso.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with