^

Bansa

9 Jolo cops susuko na – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na nagpadala na ng surrender feelers ang  siyam na pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng apat na Army intelligence officers sa Jolo, Sulu noong nakaraang taon.

Ayon kay Sinas, nakikipag-ugnayan na ngayon ang PNP-BARMM sa mga pulis para sa kanilang posibleng pagsuko anumang oras mula ngayon.

Sa ngayon nasa proseso pa ang PNP sa pakikipag-usap sa mga ito na posibleng magdulot ng positibong resulta at boluntaryong sumuko ang mga ito.

Para kay Sinas, mas makabubuting sumuko na lamang ang mga sinibak na pulis upang maiwasan na rin ang iba pang mga gulo.

Dapat aniyang harapin ng mga ito ang kaso bagama’t wala na sa PNP.

Nakitaan ng probable cause ng state prosecutors ang mga sinibak na siyam na pulis sa pagpatay kina Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at Cpl. Abdal Asula.

Matatandaan na nagsasagawa noon ng intelligence at monitoring ang apat na sundalo laban sa dalawang hinihinalang suicide bombers nang maganap ang pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo.

Enero 11, 2021 nang pakawalan ng PNP ang siyam na pulis kung saan sinabi ni Sinas na nasibak na sa pagkapulis ang mga ito at wala na rin silang hurisdiksiyon.

 

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with