^
Swab test uli sa mga umuuwing Pinoy, inirekomenda
Ito ay upang maiwasan ang pangyayari na nagnenegatibo ang isang pasahero sa inisyal na swab test at saka lamang magpopositibo kapag nakalabas na sila ng quarantine.
The STAR/Michael Varcas

Swab test uli sa mga umuuwing Pinoy, inirekomenda

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

Pagkatapos ng 5 araw

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na dagdagan ang requirements ng mga dumara­ting na Filipino sa bansa, para matiyak na mahaharang ang posibleng pagpasok ng sinumang nagtataglay ng COVID-19 United Kingdom (UK) variant.

Ito ay upang maiwasan ang pangyayari na nagnenegatibo ang isang pasahero sa inisyal na swab test at saka lamang magpopositibo kapag nakalabas na sila ng quarantine.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posi­bleng nasa incubation period pa lang ang virus sa unang araw ng isinagawang test, kaya na-detect lamang iyon pagkalipas ng halos isang linggo.

Base ito sa pagsusuri sa tatlong pasahero ng Emirates flight EK 332 na nakasama ng unang pasyente na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19. Nagnegatibo sila sa unang swab test na ibinigay sa kanila pagdating sa bansa ngunit nagpositibo nang muling isailalim sa swab test makaraan na makatapos sa 14-day quarantine period.

Naniniwala si Vergeire na sa pamamagitan ng 14-day mandatory quarantine at fifth day COVID-19 testing, mas mababantayan ang bansa laban sa pagpasok ng bagong variant na sinasabing mas mabilis makahawa.

Sa huling datos ay 14 na ang mga COVID-19 positives na close contacts ng unang pasyente na may UK variant makaraang isa pang pasahero ng Emirates flight EK 332 na nagnegatibo rin sa unang swab test ang nagpositibo sa re-swabbing na isinagawa ng DOH.

“We already have recommended to the technical working group of the IATF na pagdating ng ating mga kababayan from any country, kailangan ‘yung testing nila but we have to repeat the testing on the fifth day after they have arrived before we release them to LGUs,” sabi ni Vergeire.

Ayon sa IATF, inaayos na ng technical working group ang pagkakaroon ng fifth day testing, lalo’t na­ngangailangan ito ng dagdag na testing kits at mga tauhang magsasagawa nito.

UK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with