^
Mas mahabang oras ng pagboto sa 2022, nais ng Comelec
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ito ay upang hindi magsiksikan ang mga tao sa mga presinto. Ibinase nila ito sa halalan sa ibang bansa na tumatagal ng hanggang 12 oras.
STAR/File

Mas mahabang oras ng pagboto sa 2022, nais ng Comelec

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang oras ng pagboto sa 2022 elections dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ito ay upang hindi magsiksikan ang mga tao sa mga presinto. Ibinase nila ito sa halalan sa ibang bansa na tumatagal ng hanggang 12 oras.

Isa rin sa plano ng Comelec na paliitin ang bilang ng mga botante sa bawat presinto na nanga­ngahulugan naman ng mga dagdag na presinto.

Una na ring ipinanukala ng Comelec ang ‘early voting’ at ‘mail voting’ sa mga senior citizens at vulnerable sectors para hindi na magtungo sa mga presinto sa araw ng halalan.

Samantala, nais din ng Comelec na magkaroon ng ‘mock overseas voting’ sa pamamagitan ng online upang mabatid kung magiging epektibo sa 2022.

Ngunit ipinaliwanag ni Jimenez na kakaila-nganin pa rin ng awtoridad buhat sa Kongreso para makapagsagawa ng ‘online voting system’.

COMELEC ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with