Pulis, militar pwede nang pumasok sa campus

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na walang sinumang pulis ang may karapatang mang-aresto ng walang warrant. Aniya, rule of law pa rin ang magiging batayan.
The STAR/Michael Varcas

Walang warrantless arrest sa UP students - PNP

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na bagama’t putol na ang kasunduan ng University of the Philippines at Department of National Defense ukol sa pagpasok ng militar at pulisya sa mga UP campus,  wala pa ring mangyayaring warrantless arrests sa UP students.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na walang sinumang pulis ang may karapatang mang-aresto ng walang warrant. Aniya, rule of law pa rin ang magiging batayan.

Pinawi rin ni Usana ang posibleng maidulot na takot ng terminasyon ng kasunduan sa mga nasasangkot sa pamamagitan ng pagsigurong tatalima pa rin sila sa batas.

Lunes ng gabi nang kanselahin ng DND ang kasunduan sa UP.

Samantala, itinanggi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na mayroon siyang pinirmahang kasunduan sa UP noong siya ang kalihim ng DND sa panahon ni dating Pang. Ferdinand Marcos.

Sa kanyang Facebook Page, sinabi ni Enrile, wala siyang pinirmahan na anumang kasunduan sa UP para pagbawalan ang mga pulis at sundalo na pumasok sa lahat ng campuses nito.

Kung mayroon anyang kasunduan ang UP-DND na mag-uugnay sa kanya ay isa umano itong fabricated agreement at kailanman ay wala itong bisa.

Pinawalang bisa ni Sec. Delfin Lorenzana ng Defense Department ang Soto-Enrile Agreement matapos madiskubreng nagiging recruitment ng CPP-NPA ang UP Campuses’.— Angie dela Cruz

Show comments