^

Bansa

Bong Go: Magtiwala sa gobyerno ukol sa bakuna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na magtiwala lang sa gobyerno ukol sa pagbili at pagtuturok ng sapat, ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng bansa.

“First of all, I wish to commend my colleagues for our collective effort to help the government and our people in overcoming the ongoing COVID-19 crisis. This is a testament that through our bayanihan efforts, we can recover as one,” ani Go.

Kaugnay nito’y muling hiniling ni Go kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na maayos na ipaliwanag sa Filipino ang national vaccine roadmap upang maialis ang takot ng publiko at mapalitan ng kumpiyansa sa bakuna.

Idiniin ni Go na kumpiyansa at nagtitiwala siya kay Galvez, sa pagsasabing “vaccine czar will always uphold the interest of the Filipino people when nego­tiating for our vaccines.”

Ipinaliwanag ni Go na tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang national vaccination program - mula sa approval at paggulong ng implementasyon - ay ligtas, sigurado at hindi magbabago.

Hinggil naman sa pag­lalabas ng presyo ng bakuna,  nilinaw niya na ang mga government officials na humahawak ng negosasyon ay sumusunod sa Non-Disclosure Agreements sa lahat ng pharmaceutical companies na gumagawa nito.

Ipinatitiyak din niya sa mga concerned agencies na siguraduhin na bawat piso ng pondo ng bayan ay hindi nasasayang, lalo na sa panahon ng krisis.

Dapat ding tiyakin aniya­ na makakabenepisyo ito sa lahat kung kaya patuloy ang paalala na unahin dapat ang mga mahihirap, mga bahagi ng vulnerable sectors, at mga frontliners, lalo na sa mga malalayong lugar na hindi alam kung ano itong vaccine at saan ito kukunin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with