^

Bansa

Duterte handang unang magpabakuna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte handang unang magpabakuna
Ayon kay Roque, kung sa tingin umano ng Presidente na natatakot ang mga tao sa bakuna ay hindi naman siya mag-aatubili na maunang magpaturok nito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpabakuna kontra COVID-19 para maalis ang takot at pangamba ng publiko rito.

Sinabi ito ni Presidential spokesman Harry Roque bilang tugon sa pahayag ni Vice Pres. Leni Robredo na si Duterte ang dapat maunang maturukan para mabalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.

Ang reaksyon ni Robredo ay kasunod ng sinabi ni Duterte sa kanyang public address noong nakaraang linggo na siya ang pinakahuling magpapabakuna dahil dapat mauna ang mga medical frontliners at vulnerable sectors.

Ayon kay Roque, kung sa tingin umano ng Presidente na natatakot ang mga tao sa bakuna ay hindi naman siya mag-aatubili na maunang magpaturok nito.

“Basta ang sa kaniya, interes ng taumbayan bago ang interes ng mga nakaupo,” paliwanag pa ni Roque sa desisyon ni Duterte na mahuli sa bakuna.

Taliwas naman ito sa naunang pahayag ni Duterte na siya ang unang magpapabakuna sa sandaling dumating na sa bansa ang bakuna kontra COVID-19.

Inaasahan na darating na sa Pilipinas ang unang supply ng COVID vaccine sa Pebrero.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with