Bong Go: Online sale ng lewd photos, videos ng mga estudyante talupan!

MANILA, Philippines — Dapat na imbestigahan ng mga otoridad ang mga ulat na may mga estudyante na nagbebenta ng kanilang malalaswang larawan at video para may pambayad sa kanilang matrikula.

Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat arestuhin at ma-panagot ang mga taong kasabwat sa ganitong uri ng gawain dahil maitutu-ring itong cyber crime.

Ayon pa kay Go, maituturing din na pagsasamantala ng mga masasamang loob sa mga kawawang estudyante ang nasabing gawain.

Pinayuhan naman ni Go ang mga mag-aaral na hindi dapat pumasok sa ganitong gawain kung gustong mag-aral dahil maaari namang lapitan  ang gobyerno.

Bukod dito, bukas din umano ang kanyag tanggapan para sa mga estu-dyan­teng manghihingi ng tulong para makapag-aral.

Kinumpirma rin ni Go na nakarating na kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang nasabing impormasyon kaya agad nitong ipapatawag sa anti-cybercrime authorities para sa malalimang imbestigasyon.

Sinabi umano ng  Pa-ngulo na hindi dahilan ang kahirapan para ibenta ng mga estudyante ang kanilang kaluluwa habang patututukan  rin niya ito sa Council for the Welfare of the Children dahil maituturing itong pagsasamantala sa mga kabataan.

Show comments