^

Bansa

Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas sumipa sa 461,505; patay halos 9,000

James Relativo - Philstar.com
Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas sumipa sa 461,505; patay halos 9,000
Kumpleto sa suot na face shield at face mask ang babaeng ito habang dumadalo sa isang "Simbang Gabi" sa isang simbahan sa Maynila, ika-16 ng Disyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nagpapaawat sa pagpasok ang mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) apat na araw bago sumapit ang araw ng Pasko sa Biyernes — panahong pinaghahandaan dahil sa inaasahang pagariba ng mga bagong infections.

Umakyat na kasi sa 461,505 ang nadadali ng karamdaman sa Pilipinas, matapos bumuhos ang bagong 1,721 sariwang kaso, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Malaki-laki pa rin 'yan kung ikukumpara sa halos 1,000 nitong nagdaang buwan.

'Di katulad ng mga nakaraang linggo, lilimang laboratoryo lang ang hindi nakapagbigay ng kanilang mga datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Linggo.

Narito ang listahan ng mga may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 na iireport ng DOH ngayong araw:

  • Davao City (151)
  • Quezon City (142)
  • Rizal (85)
  • Laguna (81)
  • City of Manila (77)

Tuloy-tuloy pa rin naman ang gamutan at pagpapagaling ng nasa 23,341 aktibong kaso, o yaong mga hindi pa gumagaling o namamatay sa COVID-19.

Nasa 8,957 naman na ang pumapanaw sa naturang karamdaman. Mas marami 'yan ng 10 kaysa sa mga numero na inilabas ng gobyerno kahapon.

Papalapit naman na nang papalapit sa bilang ng total domestic cases ang mga gumagaling sa virus, na kasalukuyan nang nasa 429,207.

Samantala, pinabulaanan naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga lumalabas na balitang babalik sa mahihigpit na lockdown ang Metro Manila kaugnay na rin ng pandemya.

"Obvious na walang katotohanan ang balita na ang Metro Manila ay mapapasailalim sa modified enhanced community quarantine o MECQ sa gabi ng 19 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng [buwan]," wika ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kanina.

"Isa na namang fake news ang ipinakalat ng mga walang magawang maganda sa buhay."

Aniya, mananatili sa maluwag-luwag na general community quarantine (GCQ) ang Kamaynilaan bagama't may pagtaas sa mga kaso nitong mga nakaraang araw.

Fake lang din daw na magkakaroon ng lockdown mula ika-23 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero 2021, bagay na ipiakakalat lang daw para "sirain ang Pasko" ng lahat.

Iniimbestigahan na raw ng National Capital Region Police Office ang pekeng memorandum na ipinakakalat daw ngayon sa madla kaugnay ng balitang 'yan, ayon kay NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao.

Basahin: Metro Manila won’t revert to MECQ

Matatandaang mahigpit na pinagbabawalan ang basta-bastang paglabas-labas ng mga tao sa ilalim ng enhanced community quarantine (EC) at MECQ, maliban na rin sa maraming establisyamento at pampublikong transportasyon ang pinagbabawalang mag-operate kontra COVID-19 transmission.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 75.11 milyon na ang nahahawaan ng nasabing sakit sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, mahigit 1.7 milyon na ang binabawian ng buhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with