_ngayon
^

Bansa

‘Red-tagging’ bill malabong maging batas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malabong maging batas ang anumang panukalang naglalayon na parusahan ang “red-tagging” sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni Senate President Vicente Sottoo III sa isang panayam sa telebisyon, dahil mahirap na i-define ang red tagging kahit pa sa sabihin na class legislation.

Dahil dito kaya malabo umano at mahihirapang ipasa ito sa Senado at kung sakali man na pumasa ay tiyak na 100% na ibe-veto ito ni Pangulong Duterte.

Kaya kung gusto uma­nong i-criminalize ang red- tagging ay mas mabuting maghintay na lamang sila ng susunod na magiging presidente.

Kaya kung sakaling may maghahain umano ng panukalang nagtatakda ng parusa sa red-tagging ay dapat din na isama ang pagpaparusa sa “name calling” at “fascist-tagging’.

Nauna nang sinabi ni Sotto na tinawanan lang ni Pangulong Duterte ang kanyang sinabi na mayroong mga nagnanais na i-criminalize ang red-tagging.

RED TAGGING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with