Bangkay ni Jevilyn Cullamat hindi ginawang ‘trophy’ – AFP

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginawang ‘trophy’ ang bangkay ng anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na namatay sa engkuwentro ng  militar noong Sabado.

Ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo, hindi intensiyong ipangalandakan ng militar ang larawan ng labi ni Jevilyn. Aniya, kailangan ito for documentation na requirement sa bawat engkuwentro.

Hindi rin maituturing na panunuya ang ginawang pagdadala ng mga sundalo sa labi ni Jevilyn paakyat sa bundok upang doon isailalim sa identification.

Inakusahan ni Cullamat ang militar na ginawa nila umanong war trophy ang labi ng kaniyang anak na si Jevilyn na napatay sa sagupaan sa Surigao del Sur noong Sabado, matapos ikalat sa social media ang larawan ng bangkay nito.

Aminado ang AFP na may malinaw na paglabag sa pagkalat ng larawan ng bangkay ni Jevilyn dahil hindi ito bahagi ng kanilang polisiya kaya’t iimbestigahan nila ito upang papanagutin ang nagkasala.

Show comments