Late reporting sa COVID-19 case sa Kamara binira

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinita ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives sa hindi agad na pag-uulat nito sa mga kaso ng COVID sa tanggapan na maaaring naging dahilan ng biglang paglobo na umabot na sa mahigit na 40 cases.

Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, nasa 40 ang confirmed cases na kanilang naitala sa Mababang Kapulu­ngan subalit kanilang bi­neberipika ang report na nasa 96 ang kabuuang bilang ng mga positive cases sa Kamara sa na­kalipas na 10 araw, kung ganito umano ay maraming kaso ang hindi naire­report sa kanila at hindi agad nagagawan ng contact tracing.

Ipinaliwanag ni Cruz na kahit pa man asymptomatic ang pasyente basta nakumpirma itong positive sa test ay dapat ipagbigay alam agad sa kinauukulan.

“Dapat kasi everytime na may new case dapat nirereport agad sa LGU para sa contact tracing,” paliwanag ni Cruz kung saan sa kaso ng Kamara ay kinailangan pa nilang hingan ito ng report.

Nang hingan ng re­aksyon sa lapses ng Kamara, sinabi ni House Secretary-General Dong Mendoza na nakipag-ugnayan na sila sa QC-CESU, tumanggi rin itong kumpirmahin na tumaas ang kaso ng COVID cases sa Mababang Kapulungan bagama’t nagsasagawa na umano ngayon ng mass testing sa mga mambabatas, kawani at maging sa mga bumibisita sa tanggapan.

“We already spoke with the QC govt with regards to this matter we will release the results to DOH and CESU once the lab results are avai­lable already”paliwanag ni Mendoza.

Hindi naman tinukoy ni Mendoza kung Rapid Test o Swab test ang kanilang gagawin subalit para sa mga kawani ay mainam na Swab test ang isagawa upang mas konkreto ang maging resulta.

Samantala, kinastigo naman ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz ang mga House Leaders na sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol nang patuloy pa rin itong pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.

Sinabi ni Romero na nagnegatibo sila sa test matapos na maexposed kay Lapeña ngunit hindi naman ito sumailalim sa 14 day quarantine dahil nakita itong dumadalo sa mga hearing at courtesy call sa Kamara.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with